SINIBAK ng Philippine Ports Authority (PPA) ang siyam na port officials sa Bohol makaraang mahuli sa CCTV na umiinom ng alak sa opisina dahil birthday ng kanilang acting manager.
Sinabi ni PPA General Manager Jay Santiago na tinerminate ang siyam na opisyal kasunod ng selebrasyon sa multipurpose hall ng Bohol Port Management Office, sa Tagbilaran City.
Ikinadismaya ni Santiago ang insidente, kasabay ng pahayag na ang corrupt at abusadong mga opisyal na hindi marunong kumilala ng pasilidad ay hindi karapat-dapat sa government service at walang lugar sa institusyon.