NAGHAIN ng Not Guilty Plea ang siyam na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kasong Malversation na isinampa laban sa kanila.
Kaugnay ito ng substandards na 289-Million Peso Flood Control Project sa Oriental Mindoro.
Kabilang sa mga nagpasok ng Not Guilty Plea sa Sandiganbayan 6th Division ay sina Gerald Pacana, DPWH Regional Director; Gene Ryan Altea at Ruben Santos, Assistant Regional Directors.
Lahat ng siyam na akusado ay physically present nang ihain ang kanilang Not Guilty Plea, habang suot ang kulay dilaw na detainee uniform at naka-posas sa kanyang arraignment.




