KALABOSO ang siyam na katao sa Navotas City na sangkot sa ilegal na bentahan ng produktong petrolyo.
Ayon sa PNP-Highway Patrol Group, ikinasa ang operayson sa Navotas Fish Port Complex sa Barangay NBBS.
ALSO READ:
Hinuli ang mga suspek matapos mabigong magpakita ng dokumento sa mga produktong lulan ng fuel tanker at cargo vessel.
Ang tanker ay naglalaman ng nasa fifteen thousand liters ng diesel at ang isa pang cargo vessel ay may lulang fifty thousand liters ng diesel.
Sa kabuuan, sinabi ng PNP na aabot sa 9.75 million pesos ang halaga ng krudong nasabat sa kostodiya ng mga nadakip.




