LUMUBO na sa mahigit 9.720 million individuals o mahigit 2.661 million families ang naapektuhan ng Habagat at mga nagdaang Bagyong Crising, Dante, at Emong.
Sa pinakahuling Situational Report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 7,479 families o 28,500 individuals ang nasa loob ng Evacuation Centers.
Samantala, nananatili sa tatlumpu’t pito ang Death Toll, na kinabibilangan ng limang kumpirmado at tatlumpu’t dalawang isinasailalim pa sa balidasyon.
Napako rin sa tatlumpu’t dalawa ang bilang ng mga nasugatan sa mga nagdaang kalamidad.
Kaabuuang 108,375 naman ang nasirang kabahayan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Mahigit 3.159 billion pesos ang halaga ng pinsala sa agrikultura habang 16.506 billion pesos naman sa imprastraktura.