LUMOBO na sa siyam ang naiulat na namatay sa pananalasa ng magkakasunod na bagyong Nika, Ofel at Pepito sa bansa.
Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mayroon ding labing anim na nasugatan habang apat ang nawawala.
Samantala, umakyat pa sa 3,031,171 individuals o 820,831 families ang naapektuhan ng bagyo mula sa Regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, REGION 5 at Cordillera Administrative Region (CAR).
Tinaya naman tatlundaanlibong mga indibidwal o walumpu’t dalawanlibong mga pamilya ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers.