ISANG dose anyos na lalaki ang nasawi habang sugatan ang kaibigan nito matapos masabugan ng napulot nilang paputok sa Tondo, Maynila.
Batay sa CCTV footage sa Barangay 223, magkasamang naglalakad ang magkaibigan na may dalang mga paputok na kanilang napulot.
ALSO READ:
Ayon sa pulisya, umupo ang dalawa sa bangketa at sinindihan ang mga paputok na naging sanhi ng trahedya.
Sa video, nabalot ng makapal na usok ang lugar, kasunod ng malakas na pagsabog.
Agad na nasawi ang isang biktima habang isinugod naman sa ospital ang isa pa na kailangang operahan.
Sa inisyal na pagsisiyasat, piccolo at isang hindi pa tukoy na uri ng fountain na paputok ang sinindihan ng mga bata.




