IBINUNYAG ng singer na si Jona na nakaranas siya ng sekswal na pang-aabuso mula sa kanyang sariling ama noong siya ay sampung taong gulang.
Kwento ng singer, maayos ang kanyang Childhood sa simula hanggang sa naghiwalay ang kanyang mga magulang.
Aniya, nang umalis sa bahay ang kanyang ina ay saka nag-umpisa ang pang-aabuso sa kanya ng ama.
Inihayag ni Jona na na-realize niya na binansagan siyang “Fearless Diva” dahil natutunan niyang tumayo at harapin ang mga sakit ng nakaraan.
Ayon kay Jona, sa murang edad ay hindi niya alam kung ano ang gagawin at parang walang nangyaring pangmo-molestiya dahil maayos pa rin sila ng kanyang ama.
Hindi rin aniya siya nag-kwento kahit sa kanyang mga kapatid o malalapit na kamag-anak dahil hindi niya alam kung paano ito tatanggapin.
Sa kabila ng mapait na sinapit, sinabi ni Jona na handa pa rin siyang patawarin ang kanyang ama.




