MAGSASAGAWA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng pagdinig at public consultation para talakayin ang petition for fare increase.
Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor Mendoza II, ito ay bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na balansehin ang kapakanan ng mga commuter at pangangailangan ng transport sector.
Mga mambabatas, dumepensa sa paghawak ng Kamara sa impeachment laban kay VP Sara
DOTr, mahigpit na pinababantayan ang airport security screening officers
Paggunita ng Holy Week sa buong bansa, nananatiling generally peaceful, ayon sa PNP
Paglikha ng compassionate at nagkakaisang bansa, panawagan ni PBBM sa mga Pilipino sa pagdiriwang ng Easter Sunday
Sinabi ni Mendoza na nauunawaan niya ang hinaing ng transport groups dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Huling nag-apruba ng provisional one peso fare hike noong October 2023.
May ilang petisyon ang naka-pending sa LTFRB, kabilang na ang hiling na gawing permanente ang one peso provisional fare hike. Bukod dito, may mga petisyon din para sa dalawang pisong dagdag na singil.
