NAKARARANAS umano ng anxiety ang apat na state witness sa flood control scandal ayon sa Department of Justice.
Ayon sa DOJ, bagaman maayos naman ang kalusugan ay nakararanas ng anxiety sina Dating DPWH Usec. Roberto Bernardo, Dating District Engineers Henry Alcantara at Gerard Opulencia at ang contractor na si Sally Santos.
Sa kabila nito sinabi ng DOJ na buo pa rin naman ang kooperasyon ng apat sa imbestigasyon.
Ang apat ay nasa kostodiya ng DOJ matapos na ituring na state witness sa mga kasong may kaugnayan sa flood control scandal.




