DUMATING sa bansa ang three hundred thirty-eight na Pinoy na galing sa UAE.
Lulan ang mga Pinoy ng government-chartered flight na lumapag sa Villamor Airbase.
ALSO READ:
Ito na ang ikaanim na chartered flight ng pamahalaan galing sa Gitnang Silangan.
Sa mga umuwing Pinoy, two hundred three ay pawang OFWs, one hundred twenty-five ang kanilang dependents at sampu ay mga na-stranded na Pinoy.
Sinalubong sila ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng DMW, OWWA, DSWD, at DOH.




