13 October 2025
Calbayog City
National

TRABAHO Partylist itutulak ang ‘alternative sources of income’ para sa seasonal workers

trabaho partylist

Nitong Lunes, tao sa taong nakipag-usap ng abugadong lider ng TRABAHO Partylist sa mga mangaggawa sa Lungsod ng Navotas, kung saan ang karamihan ay mga “seasonal employees”.

Ayon sa ating Labor Code, ang mga seasonal employee ay mga empleyadong ang trabaho ay sang-ayon sa panahon, at ang tagal ng kanilang trabaho ay nakadepende rin sa haba or tagal ng nasabing panahon [work or engagement is seasonal in nature and the employment is only for the duration of the season].

Dahil nakadepende sa panahon ang haba ng trabaho ng mga seasonal employee, may mga buwan na sila ay nawawalan ng panggastos. 

Determinadong punuan ng TRABAHO partylist, bilang 106 sa balota, ang kawalan ng kita ng mga seasonal employee sa pamamagitan ng mga hanapbuhay tuwing off-season.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).