SINAMPAHAN ni atty. Melvin Matibag, dating Acting Cabinet Secretary sa ilalim ng nakalipas na Duterte Administration, ng disbarment complaint sa Supreme Court si dating Presidential Spokesperson, Atty. Harry Roque.
Paliwanag ni Matibag, inihain niya ang reklamo laban kay Roque bilang opisyal ng korte.
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Dagdag pa niya, silang mga abogado ay binigyan ng prebilehiyo na mag-practice ng law, subalit mayroon itong kaakibat na mga responsibilidad.
Tinukoy ni Matibag ang ipinost ni Roque na deep fake video ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang gumagamit umano ng iligal na droga, na nag-viral noong Hulyo.
Gayunman, hindi na masyadong tinalakay pa ni Matibag ang isinampa niyang reklamo laban sa dating kasamahan sa gabinete, bunsod ng subjudice rule.
