SA kabila ng malalakas na hangin at ulan na dala ng Super Typhoon Uwan sa Eastern Visayas, sumiklab ang sunog sa Barangay Iniguihan sa bayan ng Bato, sa Leyte.
Ayon sa Bureau of Fire Protection Eastern Visayas (BFP-8), nasa walumpung kabahayan at limang Commercial Establishments ang naapektuhan ng sunog.
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Illegal quarry materials, nasabat sa Brgy. Anislag, Calbayog City, Samar
Mahigit 600 silid-aralan, sinira ng Bagyong Uwan sa Eastern Visayas – DepEd
Mabilis na kumalat ang apoy sa komunidad habang binabayo ng malakas na hangin ang lugar, dahilan para mahirapan ang mga bumbero na agad makontrol ang apoy.
Sa inisyal na ulat ng BFP-8 Bato Fire Station, isandaan at anim na pamilya mula sa tinatayang 680 square meters ng Residential at Commercial Properties ang naapektuhan.
Walang naiulat na nasawi sa insidente bagaman isang bumbero ang nagtamo ng Injury sa mata bunsod ng iritasyon habang inaapula ang sunog. Tinaya ng mga awtoridad sa 1.6 million pesos ang halaga ng pinsala ng sunog habang inaalam pa ang sanhi ng insidente.
