21 September 2024
Calbayog City
Province

8 katao, patay sa salpukan ng passenger van at delivery van sa Sariaya, Quezon

sariaya quezon salpukan

Patay ang walo katao sa salpukan ng private passenger van at delivery van sa Maharlika Highway sa bayan ng Sariaya, sa probinsya ng Quezon.

Ayon sa Sariaya Police, patungong Maynila ang passenger van habang papuntang Bicol ang delivery van.

Sa lakas ng impact, nawasak ang passenger van at naging pahirapan ang ginawang pag-rescue sa mga pasahero.

Agad isinugod ang mga sugatan sa pagamutan sa bayan ng Candelaria.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakatulog umano ang driver ng passenger van dahilan para sumalpok ito sa kasalubong na sasakyan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).