TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development na handa itong magpaabot ng tulong sa mga Overseas Filipino Workers at kanilang pamilya na maaapektuhan ng kaguluhan sa Middle East.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nakausap na niya si Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac para siguruhin na handa ang DSWD na tumulong sakaling magkaroon ng repatriation ng mga OFW na apektado ng krisis.
Unregistered lending platforms nagkalat online, ayon sa CICC
Pagsapubliko ng Blue Ribbon report sa flood control, inihirit ng grupo ng mga abogado
EDCA sites sa Pilipinas, hindi maituturing na US military bases ayon sa NSC
NACC, umapela sa socmed platforms na maging mas mahigpit kontra online baby selling
Sa ngayon ay patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa DMW at sa Department of Foreign Affairs.
Kabilang sa mga programa ng DSWD na nakahanda para sa mga uuwing OFW ang Assistance to Individuals in Crisis Situation.
Handa rin ang mga social worker na magbigay ng psychosocial interventions para kahit papaano ay mabawasan ang kanilang stress o trauma dahil sa pangyayari.
