KABUUANG isanlibo limandaan animnapu’t dalawang magsasaka ng bigas mula sa iba’t ibang bayan sa Northern Samar ang tumanggap ng cash assistance sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) program ng pamahalaan.
Ayon sa Department of Agriculture Regional Office, isinagawa ang distribusyon noong Biyernes sa pakikipagtulungan ng provincial government.
Bawat kwalipikadong magsasaka ay tumanggap ng pitunlibong piso upang makatulong na mabawasan ang kanilang lugi na dulot ng pagbagsak ng presyo ng palay kasunod ng liberalization sa rice imports.
Saklaw ng RCEF-RFFA program ang maliit na magsasaka na nagtatanim sa dalawang ektarya ng palayan o mas maliit pa, at naka-rehistro sa ilalim ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).




