ITINANGGI ng Department of Education na dagdag-trabaho lang para sa mga guro ang bagong ipatutupad na three-term school calendar.
Isa-isang sinagot ng DepEd ang mga spekulasyon sa bagong polisiya na paiiralin sa Academic Year 2026-2027.
Ayon sa DepEd, hindi totoong dadami lalo ang forms at paperworks ng mga guro dahil may nakalaang oras para sa grading, reports at school requirements.
Katunayan, dahil magkakaroon na lang ng tatlong grading cycles, mas mababawasan ang workload ng teachers.
Tuloy din ang mandatory breaks para sa mga guro, kaya mas magkakaroon sila ng work-life balance.
Wala ring magiging epekto ang bagong polisiya sa academic standards. Katunayan, ayon sa DepEd, mas pinahaba at uninterrupted na ang instructional time.




