INAKUSAHAN ng Disc Jockey na si Jellie Aw ang kanyang fiancé na si Jam Ignacio ng pambubugbog, nang ibahagi nito ang kanyang larawan na namamaga ang mukha at may mga sugat sa social media.
Ginawa ni Jellie ang akusasyon laban kay Ignacio, ex-boyfriend ng actress-TV host na si Karla Estrada, sa pamamagitan ng kanyang facebook page, kahapon.
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Sa caption, minura ng DJ ang kanyang fiancé at sinabing mapapatay siya nito, kasabay ng banta na ipakukulong niya ito.
Sa kanya namang Instagram stories, ipinakita ni Jellie ang pagpunta niya sa ospital matapos ang umano’y pagbubugbog ng kasintahan.
Ayon naman sa kapatid ni Jellie na si Jo, sinaktan ni Ignacio ang kanyang ate habang nasa loob ng kanilang kotse, at nakahingi ito ng tulong sa teller sa toll gate.
