PANGUNGUNAHAN ni 9-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ang Gilas Pilipinas sa Second Window ng FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers.
Una nang kinumpirma na hindi makapaglalaro sina Kai Sotto at Quentin Millora-Brown sa dalawang upcoming home games sa Pilipinas.
Inamin ng 6-foot-10 na si Fajardo na dahil sa absence ng dalawang young big men ay mas magiging mahirap ang upcoming game nila laban sa New Zealand at powerhouse Australia.
Gayunman, kailangan aniya nilang mag-rely sa team play at ma-execute ng maayos ang kanilang game plan upang mabigyan sila ng fighting chance.
Ginawa ni Fajardo ang pahayag sa sidelines ng taunang Philippine Sports Writers Association Awards Night sa Diamond Hotel sa Manila.
Tinanggap ng Cebuano big man ang kanyang 7th Mr. Basketball citation, matapos pangunahan ang San Miguel Beer sa bagong record na 31st championship makaraang mapasakamay ang back-to-back Philippine Cup titles, matapos talunin ang TNT sa Finals




