KINATIGAN ng Sandiganbayan 6th Division ang motion ng ombudsman prosecutors na i-consolidate ang Malversation at Graft Cases laban kay Dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldyco at labing anim na iba pa para sa Joint Trial.
Sa resolusyon, sinabi ng dibisyon na may merito ang motion ng government prosecutors, dahil ang dalawang kaso ay mayroong parehong set of facts, pati na mga transaksyon na kinasasangkutan ng parehong mga partido, at mayroon ding magkakaparehong witnesses at documentary evidence sa Trial.
Ang resolution ay subject sa acceptance ng Fifth Division.
Tinanggap ng Sixth Division ang Malversation Charges habang ang Graft Charges ay unang nai-raffle sa Fifth Division.




