NAKA-full alert ang National Capital Region Police Office (NCRPO) simula 5 P.M. ng Feb. 21, bilang paghahanda para sa nalalapit na EDSA People Power Anniversary at ikinakasang Trillion Peso March Protests.
Sa press conference, sinabi ni NCRPO Spokesperson Police Major Hazel Asilo, na bagaman walang specific threats na namonitor sa ngayon, patuloy ang kanilang koordinasyon sa intelligence agencies upang matiyak ang kahandaan sa anumang maaring mangyari.
24/7 na repair works sa EDSA, planong ipatupad ng DPWH sa Semana Santa
Phase 1 ng EDSA Rehab, inaasahan ng DPWH na matatapos sa Hulyo
German, arestado sa NAIA matapos mahulihan ng 55 million pesos na halaga ng shabu na itinago sa mga bibliya
Driver ng kotse na nabagsakan ng estudyante sa EDSA, pinalaya ng mga awtoridad
Aniya, inaprubahan ng Quezon City Government ang request ng Trillion Peso March Movement para sa rally mula 7 A.M. hanggang 10 P.M. sa Feb. 25, at pinayagan ang pagdalo ng hanggang 20,000 individuals.
Idinagdag ni Asilo na marami pang grupo ang nagsumite ng kanilang aplikasyon para makiisa sa rally.
Magde-deploy aniya ang NCRPO ng inisyal na 10,000 personnel na tututok sa event.
