IPINAALALA ng PNP Regional Office sa Eastern Visayas ang publiko na iwasang gumamit ng mga ipinagbabawal na paputok.
Alinsunod ito sa Republic Act 7183, o ang batas na nagre-regulate sa pagbebenta, paggawa at paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnique devices.
Kabilang sa banned firecrackers ay watusi, piccolo, pop-pop, five star, pla-pla, lolo thunder, giant bawang, giant whistle bomb, atomic bomb, atomic triangle, large-size judas belt, goodbye de lima, hello columbia, goodbye napoles, super yolanda, mother rockets, kwiton, at super lolo.
Ipinagbabawal din ang goodbye bading, goodbye Philippines, bin laden, coke-in-can, pillbox, kabasi, king kong, tuna, at goodbye chismosa.