7 February 2025
Calbayog City
Metro

EDSA busway, nananatiling epektibo, ayon sa DOTR

NANANATILING pinaka-epektibong public road transport system sa METRO MANILA ang EDSA busway.

Ito ang paglilinaw ng DEPARTMENT of TRANSPORTATION (DOTR) kasunod ng pahayag ng METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY (MMDA) na pinag-aaralan nang alisin ang edsa busway dahil ang mga sineserbisyuhan nitong pasahero ay naseserbisyuhan na rin naman ng MRT-3.

Ayon sa statement na inilabas ng DOTR, katunayan noong 2024, mahigit 63 million na commuters ang nakinabang sa episyenteng travel experience sa EDSA busway.

At noong january 2025 umabot sa mahigit 5.5 million na pasahero ang naserbisyuhan ng EDSA busway o may average na 177,000 commuters kada araw.

Sinabi ng DOTR na ang EDSA busway ay maituturing na krusyal na hakbang para makamit ang progressive public transportation system.

Mayroon itong 23 stations at 24/7 ang operasyon.

Ayon sa DOTR, hinihintay pa ni Secretary Jaime J. Bautista ang resulta ng feasibility study sa kung paanong mapagbuti pa ang serbisyo ng EDSA busway at kabilang sa mga kinausap ay ang pribadong sektor at financial expertise.

Layon ng DOTR na mas maiayos pa ang commuter experience nang hindi na mapalalala pa ang kondisyon ng traffic sa EDSA.

Samantala, sinabi din ni Bautista na kailangan pa ng masusing pag-aaral sa mga suhestyon na ipagamit din ang bike lanes para sa mga motorsiklo.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).