TALIWAS sa naging pahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sinabi ng Philippine Egg Board Association (PEBA) na wala silang nakikitang shortage sa supply ng itlog sa abril sa kabila ng banta ng bird flu.
Inihayag ni peba President Francis Uyehara na batay sa kanilang projection, magkakaroon ng sapat na supply ng itlog, hanggang Abril at Mayo, bunsod ng mas magandang produksyon.
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Idinagdag ni uyehara na nagulat sila sa statement ng Department of Agriculture, dahil sa kanilang pagtaya ay mas mataas ang produksyon ng itlog ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2024.
Matatandaang sinabi ni Tiu Laurel na posibleng maharap ang bansa sa kakapusan sa supply ng itlog sa Abril, kahit hindi pa nararanasan sa bansa ang paglawak ng bird flu outbreak, bagaman may panahon pa para mapigilan ang projected shortage.
Sinabi pa ng PEBA President na hindi rin nila inaasahan ang pagsipa ng presyo ng itlog.
