GINAGAMIT lang ni Cavite Rep. Kiko Barzaga ang pangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kaniyang propaganda.
Matapos kasing masuspinde ng animnapung araw, inakusahan ni Barzaga ang pangulo na may basbas umano nito ang naging hatol ng House Ethics Committee.
ALSO READ:
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, desisyon ng kamara ang suspensyon kay Barzaga at hindi ng palasyo.
Ipinataw ng kamara ang suspensyon kay Barzaga dahil guilty umano ito sa Disorderly Behavior Online kung saan mayroon siyang mga negatibong pahayag labag sa gobyerno.
Matapos suspendhihin inalis na ni Barzaga ang mga kwestyonableng post niya sa social media.




