7 July 2025
Calbayog City
Overseas

7 hotel guests, hinihinalang nalason matapos uminom ng cocktails sa isang 5-star resort sa Fiji

cocktails

Pitong turista ang na-ospital matapos paghinalaang nalason matapos uminom ng cocktails o tinimplang inumin sa isang bar sa isang upscale resort sa Fiji.

Apat na Australians, kasama ang tatlong iba pa na pinaniniwalaang foreign nationals, ang isinugod sa ospital matapos silbihan ng inumin na gawa sa isang bar sa Warwick Fiji.

Sa statement ng health ministry, dumanas ang mga turista na edad 18 hanggang 56, ng pagkaliyo, pagsusuka, at “neurological symptoms.”

Nangyari ang insidente, ilang linggo matapos masawi ang anim na turista mula sa methanol poisoning sa Laos, dahilan para maglabas ng mga babala laban sa pagkonsumo ng alak sa ibang bansa.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).