PITONG mountaineers, kabilang ang limang foreigners at dalawang Nepalis, ang nasawi matapos tamaan ng Avalanche o gumuhong niyebe sa Himalayan Peak sa North-Eastern Nepal.
Ayon sa Expedition Agency na Seven Summit Treks, nangyari ang insidente malapit sa Base Camp ng Yalung Ri Mountain sa Dolakha District.
Narekober na ng mga rescuer ang katawan ng dalawang nasawi habang pinaghahanap pa ang lima na pinaniniwalaang nalibing sa yelo. Walong hikers naman ang nailigtas at dinala sa kabisera na Kathmandu para lapatan ng lunas.




