PITONG baybayin sa Eastern Visayas ang apektado pa rin ng red tide.
Sa pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa shellfish at water samples, limang katubigan ang nadiskubre na lagpas sa regular limit ang red tide.
Mga biyahe sa karagatan sa Eastern Visayas, pinayagan na muli ng coast guard
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Kinabibilangan ito ng Daram Island at Zumarraga Island sa Samar; Irong-Irong Bay sa Catbalogan City na matatagpuan din sa Samar; Matarinao Bay sa General Macarthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo sa Eastern Samar; at Biliran Island sa Biliran Province.
Samantala, kontaminado rin sa red tide ang iba pang katubigan sa Samar, gaya sa San Pedro Bay sa Basey at coastal waters ng Calbayog City.
Bunsod nito, mahigpit na ipinagbabawal sa publiko ang paghango, pagbebenta, at pagkain ng anumang uri ng shellfish, gaya ng talaba, tahong, at maliliit na hipon, sa mga nabanggit na katubigan.
