OPISYAL na inilunsad ng Provincial Government ng Samar ang kanilang Women’s Month celebration, bilang pagkilala sa lakas, pamumuno, at kontribusyon ng kababaihan sa buong lalawigan.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Provincial Administrator Fe Tan-Arcales na ang Women’s Month ay hindi lamang panahon para kilalanin ang tagumpay ng kababaihan.
Panawagan din aniya ito upang matiyak na maririnig ang boses ng kababaihan, pahalagahan at bigyang halaga, habang pinatatatag ang shared commitment sa gender equality sa pamamahala at pag-unlad.
Pinagtibay din ni Arcales ang commitment ng Provincial Government sa gender equality sa ilalim ng liderato ni Governor Sharee Ann Tan, kung saan hinihikayat ang mga babae na mamuno, lumahok ng makabuluhan sa decision-making, at tumulong sa pagbuo ng mga polisiya na makaaapekto sa buhay ng mga Samarnon.




