TINAPOS na nina Gerald Anderson at Julia Barretto ang kanilang relasyon.
Kinumpirma ito ng kanilang Talent Agency na Star Magic matapos ang ilang buwan na ding mga spekulasyon tungkol sa estado ng relasyon ng dalawa.
ALSO READ:
Wala namang ibinigay na detalye sa dahilan ng hiwalayan.
Ayon sa Star Magic, nagpapasalamat ang dalawa sa kanilang mga Fans at mga kaibigan sa patuloy na suporta.
Hinikayat naman ng Star Magic ang publiko na iwasan ang pagkakalat ng mga espekulasyon ang maling impormasyon sa kung ano ang dahilan ng Breakup ng dalawa.
Taong 2021 nang aminin ng dalawa sa publiko ang kanilang relasyon.




