HALOS walang pinagbago ang bilang ng mga Pilipino na umaasang gaganda ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na taon, noong ikatlong quarter.
Sa Sept. 14 to 23 survey ng Social Weather Stations (SWS), 47 percent ng 1,500 respondents ang naniniwala na giginhawa ang kanilang pamumuhay, halos kapareho sa 46 percent na naitala noong Hunyo.
ALSO READ:
Death toll sa lumubog na MV Kerstin 3 umakyat na sa 57
Commodore Jay Tarriela, hindi aawatin ng Malakanyang sa mga pahayag tungkol sa West PH Sea
Trimester system sa mga paaralan, dapat pag-aralan muna – Sen. Bam Aquino
Human Rights Group humirit na ng arrest warrant laban kina Dela Rosa at Go; sitwasyon ng 2 senador, tatalakayin sa emergency caucus ng Senado
Gaya rin sa nakalipas na survey, 5 percent ang nagsabing lalo silang maghihirap habang 40 percent ang naniniwalang walang magiging pagbabago sa kanilang pamumuhay.
Ang natitirang walong porsyento ng mga respondent ay walang ibinigay na sagot.
