INANUNSYO ni International Pop Superstar Taylor Swift na magre-release siya ng Concert Film at Documentary Series tungkol sa Final Leg ng kanyang “Eras Tour.”
Ipinost ni Taylor ang Trailer ng kanyang Upcoming Docuseries sa X (dating Twitter).
Ang “The Ears Tour | The Final Show,” kung saan itatampok ang kanyang “Tortured Poets Department” Set at unang dalawang Episodes ng Six-Episode, Behind-the-Scenes Documentary ng “The Era of an Era,” ay mapapanood sa Disney+ simula sa Dec. 12.
Idineklara ang “Eras Tour” bilang Highest-Grossing Tour sa kasaysayan matapos kumita ng mahigit 2 billion dollars sa Ticket Sales.
Ang Film Version naman na “Taylor Swift: The Eras Tour,” na ipinalabas sa mga sinehan noong nakaraang taon ang Highest-Grossing Concert Movie.