11 March 2026
Calbayog City
Local

Mga Calbayognon sa Middle East na nagpa-register sa I-Konek, umakyat na sa 210

UMABOT na sa 210 Calbayognons sa Middle East ang nakapag-register na sa I-Konek Calbayog Registry Portal.

Patuloy naman ang paghimok sa lahat ng Calbayognon na nagtatrabaho o nakatira sa ibang bansa, lalo na sa Middle East na mag-register at maging bahagi ng lumalaking network.

Makatutulong ang registration upang manatiling connected, informed, at supported, lalo na tuwing may krisis o emergency sa Gitnang Silangan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).