KABUUANG isandaan dalawampu’t lima ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng mga bagyong Kristine at Leon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Sa pinakahuling tala ng NDRRMC, dalawampu’t walong iba pa ang napaulat na nawawala habang isandaan at labinlima ang nasugatan.
ALSO READ:
Mahigit 32,000 na bagong guro, asahan sa susunod na taon – DepEd
Sandiganbayan 6th Division, kinonsolidate ang mga kaso sa 289-Million Peso Naujan Flood Control Case
Dating DPWH Secretary Rogelio Singson, nagbitiw sa ICI
Dating Senador Bong Revilla at iba pang personalidad, inirekomendang kasuhan ng ICI bunsod ng flood control scandal
Ayon sa NDRRMC, umabot sa mahigit 7.13 milyong katao o 1.79 milyong pamilya ang naapektuhan ng dalawang bagyo sa labimpitong rehiyon sa bansa. Karamihan sa mga apektadong indibidwal ay mula sa Bicol Region na nasa mahigit 2.74 milyon, sumunod ang Central Luzon na may mahigit isang milyon at Calabarzon na nakapagtala ng mahigit pitundaan libong indibidwal.
