NASAWI sa Israeli airstrikes ang top security official ng Iran na si Ali Larijani at ang pinuno ng paramilitary na Basij Force na si Gholamreza Soleimani.
Sinabi ni Israeli Defence Minister Israel Katz na napaslang ang dalawang opisyal, Martes ng gabi.
ALSO READ:
EU States, hindi palalawakin ang kanilang naval operations para ma-secure ang Strait of Hormuz
US President Trump at British Prime Minister Starmer, tinalakay ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz
Mahigit 50 cultural sites sa Iran, nasira sa mga pag-atake ng US at Israel
Barko lang ng Amerika ang bawal dumaan sa Strait of Hormuz
Kinumpirma rin ng Iranian authorities ang pagkamatay nina Larijani at Soleimani sa Israeli air strikes.
Si Larijani ang most senior Iranian official na napaslang mula nang masawi ang kanilang supreme leader na si Ayatollah Ali Khamenei, sa unang araw ng pag-atake ng Israel at US noong Feb. 28.
