SASALUBUNGIN ng Filipino-American singer na si Jessica Sanchez ang 2026 sa Pilipinas, dahil sa kanyang dadaluhang New Year’s Countdown event.
Pinangalanan ni Jessica bilang performer para sa “The Grand Countdown to 2026” event ng New Port World Resorts, sa Manila Marriott Grand Ballroom sa December 31, batay sa nakasaad sa kanyang social media platforms.
Ang homecoming ng Fil-Am singer ay mangyayari tatlong buwan matapos nitong mapanalunan ang championship sa 20th season ng “America’s Got Talent.”
Isa itong makasaysayang tagumpay ni Jessica makalipas ang dalawampung taon matapos siyang sumalo sa inaugural season ng talent competition.
Isa sa highlights ng kanyang “America’s Got Talent” journey ay ang kanyang pagbubuntis sa panganay anak, na kanyang isinilang noong Oktubre.




