ANIMNAPU’T anim ang nasawi habang sugatan ang iba pa matapos bumagsak ang Colombian Air Force plane, ilang sandali lamang matapos itong mag-take off.
Ayon kay Air Force Commander Carlos Fernando Silva Rueda, 114 army personnel ang sakay ng eroplano, kabilang ang 11 crew.
ALSO READ:
Ang aircraft na US-made C-130 Hercules ay ginagamit sa pag-transport ng mga sundalo mula sa Puerto Leguizamo, sa Putumayo province.
Sinabi naman ni Colombian Defence Minister Pedro Sanchez na na-detonate ang ammunition na lulan din ng C-130 plane dulot ng pagsiklab ng apoy sa eroplano.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng pagbagsak ng air force plane.




