PINALAWAK ng LandBank of the Philippines (LandBank) ang kanilang network sa Eastern Visayas.
Kasama rito ang planong magbukas ng mga sangay sa dalawang unbanked towns ngayong taon at dalawa pa sa 2027.
ALSO READ:
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo
Halos 300 senior high student sa Leyte, na-hire on the spot sa job fairs
Higatangan Festival sa Biliran, kinansela sa gitna ng lumolobong presyo ng produktong petrolyo
Sinabi ni Landbank Assistant Vice President Brendalyn Villavicencio, na magbubukas sila ng mga bagong branch sa Balangiga, Eastern Samar at sa Javier, Leyte.
Sunod namang bubuksan sa 2027 ang LandBank branches sa Laoang, Northern Samar at Palompon, Leyte.
Inihayag ni Villavicencio na ang kanilang layunin ay gawing mas accessible sa mas maraming tao ang banking services.
