Tatlo katao ang patay habang apat ang sugatan sa pamamaril sa isang malaking shopping mall sa Bangkok, Thailand.
Sinabi ni Prime Minister Srettha Thavisin na naaresto ng mga otoridad ang attacker at agad ding nakontrol ang sitwasyon.
Nangyari ang pamamaril sa Siam Paragon Mall na isa sa top shopping destinations sa Bangkok, ilang araw bago ang unang anibersaryo ng isa sa bloodiest days sa kasaysayan ng Thailand.
Magugunitang isang dating police officer na armado ng patalim at baril ang umatake sa isang nursery at pinaslang ang dalawampu’t apat na mga bata at labindalawang adults.