30 January 2026
Calbayog City
Metro

Tulong sa mga empleyado ng nasunog na Landers Supermarket, siniguro ng Quezon City LGU

TINIYAK ng Quezon City Local Government Unit ang agarang tulong sa mga empleyadong naapektuhan o pansamantalang mawawalan ng trabaho dahil sa insidente ng sunog sa Landers Supermarket sa Fairview.

Ayon sa pahayag ng lokal na pamahalaan, bibigyan ng tulong-pinansyal ang mga empleyado sa ilalim ng programang Alagang QC.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang QC LGU sa pamunuan ng Landers Supermarket dahil sa nangyaring trahedya na nagdulot ng malawak na pinsala.

Ayon sa pahayag ng City Government, sa halos dalawang taon nitong operasyon, ang mga residente ng lungsod ay nabigyan ng de-kalidad at maginhawang pamimili at naging mahalagang bahagi na rin ng komunidad.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.