ANIM na estudyante ang sugatan matapos bumagsak ang canopy sa Peñaranda Park sa Legazpi City sa Albay.
Ayon kay Police Lt. Col. Domingo Tapel, Legazpi City Police Officer-in-Charge, nasa kalagitnaan ng pag-eensayo ng sayaw ang may apatnapung mag-aaral nang biglang bumagsak ang canopy.
Aniya, sa lakas ng ulan ay napuno ng tubig ang trapal kaya bumigat ang bubong at nagdulot ng crack sa bakal at nahati sa gitna.
Isa sa anim na mag-aaral ang kinailangang i-confine sa ospital dahil sa tinamong sugat.




