HINDI bababa sa anim ang patay habang ilan pa ang nawawala matapos lumubog ang isang ferry sa Tourist Island ng Bali, sa Indonesia.
Ayon sa Surabaya Office of the National Research and Rescue Agency, lulan ng bangka ang limampu’t tatlong pasahero at labindalawang crew members nang lumubog ito habang patungong Bali mula sa Banyuwangi sa Eastern Coast ng Java Island.
US, nangakong tutulong sa seguridad ng Ukraine sa ikakasang Peace Deal kasama ang Russia
Mahigit 40 katao, nawawala sa paglubog ng bangka sa Nigeria
67 katao, inaresto bunsod ng illegal alcohol production matapos masawi ang 23 katao sa Kuwait
Mahigit 340 katao, patay sa matinding pagbaha at pagguho ng lupa sa Pakistan
Sinabi ng ahensya na tatlumpu’t isang survivors ang nasagip, habang nagpapatuloy pa ang Search Operations.
Gayunman, lumabas sa iba’t ibang reports na posibleng mas marami pa ang mga nakasakay na pasahero subalit hindi nakalista sa opisyal na Manifesto.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng paglubog ng ferry.