22 July 2025
Calbayog City
National

6 Dalian train sets, nakatakdang gamitin sa operasyon sa mga susunod na linggo ayon sa DOTr

ANIM na Dalian train sets ang isinaisailalim sa Final Testing at inaasahang magiging operational sa mga susunod na linggo, ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon.

Dahil dito, sinabi ni Dizon na magiging siyam na ang gumaganang Dalian train sets sa MRT-3.

Ang natitirang tatlumpu’t siyam mula sa apatnapu’t walong train sets na binili, isang dekada na ang nakalipas ay inaasahang magiging operational din sa mga susunod na buwan hanggang sa susunod na taon.

Idinagdag ng kalihim na kailangang isailalim sa Safety Checks at Adjustments ang mga bagon na gawa sa China, matapos hindi magamit sa matagal na panahon dahil sa incompatibility sa kasalukuyang sistema ng MRT-3.

Noong nakaraang linggo ay pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Inaugural Operations ng unang tatlong Dalian train sets matapos itong i-modify para maging akma sa riles ng MRT-3.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).