NIYANIG ng Magnitude 6.7 na lindol ang East Coast ng Honshu, Japan pasado alas sais ng hapon ngayong Linggo, November 9.
10 kilometers ang lalim ng lindol.
Pinawi naman ng PHIVOLCS ang banta ng Tsunami saanmang baybayin ng Pilipinas bunsod ng nasabing lindol. Pero sa ulat ng Japan Times naglabas ng Tsunami Advisory ang Japan Meteorological Agency sa Iwate Prefecture.




