ISANG Russian General ang nasawi sa car bomb sa Moscow.
Binawian ng buhay si Lt. Gen. Fanil Sarvarov ng Investigative Committee ng Russia, matapos sumambulat ang bomba na itinanim sa ilalim ng kanyang sasakyan.
ALSO READ:
Si Sarvavor ang ikatlong military official na pinaslang sa pamamagitan ng bomb attacks sa Russian Capital sa nakalipas na isang taon.
Ayon sa Komite, ang limampu’t anim na taong gulang na heneral ay dating pinuno ng Armed Forces’ Operational Training Department.
Isa sa mga teorya na iniimbestigahan ay itinanim ang bomba, sangkot ang Ukrainian Intelligence Services.
Wala pang komento ang Ukraine hinggil dito.




