MAILAP pa rin ang panalo sa Alas Pilipinas Men makaraang makatikim muli ng pagkatalo, sa koponan naman ng Bahrain, kahapon.
Pinadapa ng Host Country ang Alas Pilipinas sa score na 25-18, 25-23, 25-20, dahilan para tuluyan nang hindi maka-akyat ang koponan ng bansa sa podium ng 2024 AVC Challenge Cup.
ALSO READ:
NLEX, natakasan ang San Miguel sa PBA Season 50 Philippine Cup
Imports at Fil-Foreign players, binigyan na ng Go signal para makapaglaro sa PVL Reinforced Conference
Pinay Tennis Ace Alex Eala, handang pangunahan ang Team Philippines sa Thailand SEA Games
Magnolia, naungusan ang Barangay Ginebra sa Debut ni LA Tenorio bilang Head coach
Kagagaling lamang ng pinoy spikers sa straight sets loss sa China noong isang araw, at nalaglag sa 0-2 record para tapusin ang kanilang Pool Stage Campaign.
Ang kanilang contenders na China at Bahrain naman ay kapwa mayroong 1-0 win-loss card at a-abante sa quarterfinals round.
Dahil dito, na-relegate o bababa ang Pilipinas sa classification match laban sa Indonesia o Qatar.