NAKATAKDANG itayo ang 5,000-seater International Convention Center sa Tacloban City, na magsisilbing world-class venue para sa mga event.
Pinangunahan ni House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez ang groundbreaking ng three-story building.
Napaulat na expansion ng Geothermal Project, itinanggi ng mga opisyal sa Biliran
Mga biyahe sa karagatan sa Eastern Visayas, pinayagan na muli ng coast guard
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Itatayo ito sa 20,620-square-meter na lote sa lumang Leyte Park hotel complex sa kahabaan ng Magsaysay Boulevard.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ang Benjamin Romualdez international Convention Center (BRICC) project ay inisyal na pinondohan ng 750 million pesos, batay sa hindi pa naku-kompletong feasibility study.
Si Benjamin Romualdez ay ama ng house speaker na nagsilbi bilang gobernador ng Leyte simula 1967 hanggang 1986, at Philippine Ambassador to the US simula 1982 hanggang 1986.
Inihayag ni speaker Romualdez na target makumpleto ang proyekto sa loob ng tatlong taon.
