MULING napukaw ng aktor na si John Estrada ang atensyon ng netizens nang maispatan itong may kasamang babae na tila foreigner sa isang bar.
Sa video na in-upload ng facebook user na si Keken Quiñonez, makikita si John na papasok sa bar, kasama ang hindi pinangalanang babae.
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Nakaakbay ang aktor sa kasama, at sa isang punto ay hinimas pa nito ang balikat ng babae.
Parehas namang nakangiti ang dalawa nang batiin ang ilang mga tao sa bar.
Sa isa pang video clip, nakuhanan ang dalawa na magkausap habang nakaupo sila sa bar area.
Umani na ng milyon-milyong views at samu’t saring reaksyon ang naturang video.
