PATULOY ang impresibong kampanya ng Filipina tennis star na si Alex Eala sa ASB Classic.
Kahapon ay pinatalsik ni Eala ang isa pang Croatian na si Petra Marcinko, sa score na 6-0, 6-2, sa round of 16, sa Auckland, New Zealand.
Una nang pinadapa ng bente anyos na Pinay si Donna Vekic ng Croaia sa tournament opener.
Samantala, sasabak din si Eala sa Quarterfinals ng Women’s Doubles competition, kasama si Iva Jovic ng Amerika.




