UMAABOT sa 587 million dollars na halaga ng illegal drugs ang nakumpiska sa unang dalawang taon ng Marcos Administration, ayon kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.
Ginawa ng kalihim ang pahayag sa opening ng 33rd Session ng United Nations Commission on Crime Prevention and Criminal Justice sa Vienna, Austria.
MGA NEGOSYANTE NG LANGIS, BINALAAN NI PBBM
BREAKING | IDENEKLARA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang four-day work week sa ilang tanggapan ng ehekutibo simula sa Lunes, March 9.
Paglilitis sa graft case ni Dating Senador Bong Revilla, sisimulan sa Apr. 7
Quezon City Rep. Bong Suntay, humingi na ng paumanhin sa bastos na komento patungkol kay Anne Curtis
Sinabi ni Abalos na ang pigura na nasa 33.9 Billion Pesos, batay sa exchange rate kahapon, ay mas mataas ng pitundaang porsyento kumpara noong mga nakaraang taon.
Idinagdag ng DILG Chief na nakamit ang naturang achievement, nang kakaunti lamang ang bilang ng mga namatay. Tinukoy din ni Abalos ang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) Project, na malaki aniya ang naitulong upang mabawasan ang demand sa illegal drugs sa pamamagitan ng pagsusulong sa kahalagahan ng buhay.
